Senado, sinuspende ang sesyon at on-site work sa loob ng isang linggo

Pansamantalang isususpende ng Senado ang kanilang plenary sessions at on-site work ngayong linggo, sa gitna ng 88 na mga active COVID-19 cases sa kanilang mga empleyado.

Ayon sa liderato ng Senado, maliban sa 88 active COVID-19 infections, may 196 na iba pa na kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine.

Read More:  Padilla urges supporters to stay calm ahead of November 6 DOJ hearing

Kaugnay nito, tanging ang “skeletal” staff at mga miyembro ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ang papayagan sa loob ng Senate building sa naturang linggo.

Read More:  P1.36 billion shabu shipment from Laos seized at Manila port

Samantala, ang mga itinakda nang committee hearings, technical working group meetings at iba pang pulong, ay maari namang gawin sa pamamagitan ng online.