Klase sa mga pampublikong elemetarya at sekondarya sa Naga City, suspendido dahil sa mataas na kaso ng COVID-19

NAGA CITY- Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampublikong paaralang pang Elementarya at Sekondarya sa Naga City sa loob ng isang linggo.

Ito ang nakapalaman sa Division Memorandum No. 19 series of 2022 na pirmado ni OIC Schools Division Superintendent Dr. Manny De Guzman dahil sa mataas na COVID-19 Cases.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Nangangahulugan na walang synchronous at asynchronous classes. Wala ring kukuha o maghahatid ng Learning Modules at Learning Packets.  Wala ring Physical Reporting ang mga guro. Dahil dito extended ang School Calendar ng Academic Year 2021-2022 sa Hulyo 1, 2022.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa hakbang naniniwala ni De Guzman na mababawasan ang hawaan ng virus dahil malilimitahan ang galaw ng publiko. Kahapon 128 ang naitala ng Naga.  Mayroon ding mga school personnel na positibo sa antigen test at RT-PCR Test.