Pagpapabakuna laban sa COVID-19, hindi dapat pwersahan ayon sa ilang senador

Naniniwala ang Senator Francis “Kiko” Pangilinan na dapat itaguyod ng gobyerno ang “freedom of choice” ng publiko pagdating sa pagpapabakuna kontra COVID-19.

Sinabi ni Pangilinan na hindi dapat pinupwersa, tinatakot, o dinadaan sa sapilitan ang pagpapabakuna.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Iginiit ng senador na ang kailangan ay incentives at hindi penalty.

Inihayag naman ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III na hindi dapat pinipilit ang mga indibidwal na ayaw magpabakuna dahil sa medical o religious reasons o sadyang walang mga bilib sa bakuna na nasa ilalim lamang ng emergency use authorization.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Ipinaalala ni Pimentel sa gobyerno na pwede pa rin magkasakit ng COVID-19 at maging carrier ng virus ang mga bakunadong indibidwal.

Wala rin aniyang batas para gawing mandatory ang pagpapabakuna kontra COVID-19.