Gobyerno, tila ay itinuturing nang kriminal ang mga unvaxxed individuals – Pimentel

Pinuna ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel ang utos ng Department of the Interior and Local Government sa mga barangay na ilista ang mga bakunado at hindi bakunado sa mga nasasakupan nito.

Sinabi ni Pimentel na tila kailangan pa ng gobyerno na iparamdam sa mga hindi bakunado na wanted sila at meron silang nilabag na batas.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Iginiit ng senador na “homebody” na maituturing ang mga hindi bakunadong indibidwal.

Aniya, hindi na kailangang pang hanapin ang mga ito at tratuhin na parang isang kriminal.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Naniniwala rin si Pimentel na uri ng pamamahiya ang nais ipagawa ng DILG sa mga barangay na labag sa constitutional rights.