Lasing, nabanga ng van sa bayan ng Roxas

Sugatan ang isang lalaki matapos na mabangga ng isang van sa National Highway ng Barangay Tagumpay, Roxas, Palawan nitong araw ng Linggo ika-9 ng Enero, 2022.

Ang Driver ng van ay si Daniel  Atilano Banog, 25 anyos at residente ng Barangay Nicanor Zabala sa kaparehong munisipyo.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Kinilala ang lalaki na si Ronnie Bebit Fresnillo, 39 anyos at napag-alamang lasing ito nang mabangga.

Ayon sa Imbestigasyon ng PNP, mula sa Brgy. minara ang van na patungo sana ng Brgy. Nicanor Zabala nang mabangga ang biktima habang tumatawid sa kalsada.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nagtamo ng pinsala sa ulo at binti si Fresnillo na agad isinugod Roxas Medicare Hospital at agad din inilipat sa lungsod na Puerto Princesa para sa karagdagang medikasyon.

Samantala, nasa kustodiya na ng Roxas PNP ang sasakyan at driver na sangkot sa aksidente.