Pagpupulongan ng gobyerno ngayong linggo ang health packages at incentives na pwedeng i-alok sa mga tao na naka-home quarantine dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na dapat ay maging kabahagi nito ang PhilHealth at ang mga accredited healthcare providers.
Samantala, ipinunto ni Nograles na dapat ay linawin ng Department of Labor and Employment ang mga regulasyon para sa mga empelyado na magkakasakit at sasailalim sa quarantine.
Inihayag niya na dapat rin mapag-usapan kung anong incentives ang maaring ibigay sa mga hindi employed o self-employed.
Tiniyak naman ni Nograles na inaaral na ng gobyerno ang isang panibagong budget para mapondohan ang planong pagbibigay ng health package at incentives.
