Truck ng marines na naghatid ng relief goods, naaksidente sa Taytay

Naaksidente ang isang sasakyan ng Marines sa Sitio Ibangley Barangay Abongan sa bayan ng Taytay Palawan.

Ayon kay Arnold Acebedo ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office Taytay, base sa kanilang inisyal na imbestigasyon ay nawalan ng prino ang sasakyan kaya bumangga ito.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa kabila nito ay nagtamo lamang ng kunting galos ang limang sakay na marines ngunit nasa mabuti na silang kalagayan ngayon.

Samantala, kinumpirma din ni BGen. Jimmy D. Larida sa Brigada na  naghatid ng relief goods ang truck bago maaksidente.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

“Naghatid ng relief goods sa Taytay donated by Makati Med. Nawalan ng brake at sinadsad na lang sa gikid ng bundok to avoid innocest bystanders to be hit. All personnel are OK. Minor bruises lang “- ayon kay BGEN JIMMY D LARIDA PN (M)