DOH-Bicol sa publiko: “Sundin ang quarantine protocols” Re: Muling pagsirit ng COVID-19 cases

BNFM BICOL- Pinaalalahanan ng Department of Health (DOH) Bicol ang publiko hinggil sa maayos na pagsunod sa ipinatutupad na Quarantine Protocols at Isolation matapos muling sumipa ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon at maging sa mga karatig lugar.

Sa ulat na nakalap ng Brigada News FM Bicol, nitong Sabado nang abisuhan ng ahensya ang mga mamamayan at health care workers na walang exemption at walang pagbabago sa ipinatutupad na quarantine at isolation period.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Paalala ng ahensya, ang mga indibidwal na nag positibo sa sakit at nakakaranas ng pagiging asymtomatic, mild at moderate symptoms ay dapat pa ring i-comply ang 10 days quarantine period batay sa payo ng doctor, bakunado man ito o hindi.

Binigyang diin rin ng pamunuan na ang mga COVID positive na may severe at critical symptoms ay sasailalim ng 21 days isolation.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, para naman sa mga close contacts, ang mga ito ay inaasahan pa rin na mag quarantine sa loob ng pitong araw kung fully vaccinated, habang 14 na araw pa rin kung hindi.

Umaasa ang ahensya sa kooperasyon ng publiko kasabay ng patuloy na laban ng pamahalaan kontra sa muling paglaganap ng nakamamatay na sakit.###

Photo Courtesy: LiCAS.news