CAMARINES NORTE- Nagsisimula na namang makapagtala ng mataas na bilang ng COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte sa unang linggo ng taong 2022
Nitong weekend, 49 na bagong kaso ang naitala sa report ng DOH Bicol
Sa ipinalabas na case bulletin report nakapagtala ng 17 na bagong kaso nitong sabado kung saan 9 na kaso ang naitala mula sa bayan ng Daet , 4 ang nagmula sa Labo, 2 mula sa Paracale at may tig-1 ang Basud at Jose Panganiban
Habang nitong lingo ay naitala ang 32 bagong kaso mula sa mga bayan ng Daet na may 10, 8 sa Jose Panganiban , 6 sa Labo, 5 sa Basud, 2 sa Mercedes at 1 kaso ang nagmula sa San Vicente
Wala namang naitalang nakarekober at pagkasawi dahil sa COVID-19
Bunsod nito, Sa unang linggo pa lamang ng 2022 ay 79 na bagong kaso ang nadagdag dahilan upang sumampa sa 3247 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte
Sa kabila nito ay nananatili pa ring nakasailalim sa Alert level 2 system ang lalawigan ng Camarines Norte
