CAMARINES NORTE- Hiniling ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang kooperasyon ng mga respondents para sa gagawing second visit ng Family Income and Expenditures Survey (FIES) na magsisimula ngayong araw.
Ayon kay Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao, isa umano ito sa pinakamahirap na survey na ginagawa ng naturang opisina kaya naman isinailalim sa matinding training ang mga enumerators.
Malaki ang pasalamat ni Padayao sa mga respondents na nagtitiyagang makinig at sumagot sa mga taong.
Ang survey ay mayroong mahigit 1, 500 samples mula sa iba’t- ibang panig ng lalawigan at ang basehan ng sampling ay ang census.
Mayroon na itong draw samples at ibinibigay sa Field Office para puntahan at ang mga respondents ay mula sa iba’t- ibang estado ng pamumuhay.
Mahalaga ang FIES dahil ito ang pinagbabasehan ng pag determina ng poverty at income level ng mga tao.
Ayon pa kay Padayao dito rin aniya nakikita kung anong mga commodity ang karaniwang kinukunsumo ng mga tao na nagsisilbi namang basehan ng market basket ng probinsiya.
Ang market basket ang binabasehan naman kung ano ang nagyayari sa inflation.
Ang FIES ay isang nationwide survey of households na ginagawa kada tatlong taon.
Magbibigay din ito ng benchmark information para ma- update ang bigat na ginagamit sa pagtaya ng estimation of Consumer Price Index.
Tatagal ang survey hanggang Enero 31 ng taong kasalukuyan.
