Inanunsyo ng National Capital Region Police Office na umabot sa dalawa ang naaresto sa Commission on Elections checkpoints, ilang oras matapos ipatupad ang gunban bilang marka ng simula ng election period sa bansa.
Sinabi ni NCRPO spokesperson Police Lt. Col. Jenny Tecson na nangyari ang unang insidente sa Navotas kung saan ay hinigian ang isang indibidwal ng mga dokumento at ID.
Nang pababa na sana ang indibidwal mula sa sasakyan nito ay nalaglag mula sa shorts nito ang isang kalibre 38 na baril.
Samantala, nasita naman ang isang motorsita sa Caloocan dahil sa hindi nito pagsusuot ng helmet.
Sa gitna ng paghuli sa motorista, ay natuklasan na meron itong baril na nagresulta sa pagkakaaresto nito.
Napag-alaman rin na walang kinauukulang dokumento ang nasabing motorista para sa baril nito.
