DOJ, nagbawas ng onsite working capacity sa gitna ng pag-akyat ng COVID cases

Magbabawas ang Department of Justice ng mga tauhan nito na pisikal na nagre-report sa kanilang mga opisina matapos ang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na simula sa January 10 ay mas konti na lang ang mga empleyado nila na papasok sa opisina.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Ipinunto ng kalihim na mula 60 percent ay binawasan niya ang on-site workforce sa 30 percent.

Read More:  Death toll from habagat and Bagyong Inday rises to 26

Ayon kay Guevarra, tatagal ito hanggang January 15, 2022 ngunit pwede pa ito mapalawig kung kinakailangan.

Tinyiak naman ng kalihim na regular na isinasailalim ang DOJ premises sa disinfection.