Mananatili sa Cebu ang mga crew ng Olongapo Elctricity Distribution Company ng labinlimang araw.
Ito ay para tumulong sa Visayan Electric Cooperative Company sa pagsasaayos ng mga linya at posteng nasira ng nakalipas na bagyong Odette.
Ang Cebu ang isa sa mga lugar na labis naapektuhan ng bagyo ilang linggo na ang nakakalipas.
Para mas maibalik kaagad ang suplay ng kuryente sa lahat ng bahagi ay nagpadala ang OEDC ng Task Force crew nito na tumutulong sa pagsasaayos.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
