Bus pabalik ng Maynila mula sa Bicol Central Station fully booked
NAGA CITY- Makapal ang volume ng mga pasaherong pabalik ng Maynila sa Bicol Central Station.
42 trips mula sa new normal na 8 ang umarangkada mula terminal sa Naga nitong Enero 2, 2022. Mahigit 40 na units din ang bumiyahe kahapon. Kumpara noong Enero 2021 na halos wala.
Kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Terminal Manager Nonoy Reforsado na fully booked na ang buses, ang iba ay hanggang Enero 15 subalit handa ang terminal at bus companies sa mga walang reservation o chance passengers.
Pagbibigay diin ni Reforsado, inaasahan na nila ito lalo pa’t hindi lamang ang mga umuwi nitong bago ang bagong taon ang mga pabalik, kundi pati ang mga umuwi pa noong Pasko.
Nakikita rin ng pamunuan ng terminal na marami ang pasahero dahil kakaunti ang mangunguntratang colorum dahil sa paghihigpit ng mga otoridad.