12 magsasaka sa Capalonga na naapektuhan ng mapaminsalang peste ang lupang sinasaka tumanggap ng  ‘Indemnity” o bayad pinsala

CAMARINES NORTE-Natanggap ng labingdalawang magsasaka sa Capalonga Camarines Norte ang nakalaang ‘Indemnity’ o “Bayad-pinsala para sa kanilang lupang sinasaka na naapektuhan ng mga mapaminsalang peste, sakit ng mga pananim at mga nagdaang kalamidad.

Nagtungo ang mga magsasaka sa Municipal Agriculture Office upang personal na tanggapin ang indemnity checks.

Read More:  21-year-old  arrested over alleged online school shooting in Cebu

Adhikain umano ng LGU sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office at ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na tulungan ang mga magsasaka sa naturang bayan sa muling pagbangon at pagsisimula sa sektor ng agrikultura.

Ito na ang ikatlong batch ng pamamahagi ng indemnity checks.

Read More:  San Lazaro Hospital ER in Manila reaches up to 500% capacity amid leptospirosis surge

Tiniyak rin ng LGU na may mga tulong ito tulad ng pangkalusugan, pinansyal, agrikultura, medisina at iba ipa.

Makakaasa rin umano ang mga Capalongueño sa tuloy- tuloy na mga proyekto at programang pampubliko.