DENR nagbabala sa dulot na polusyon sa hangin dahil sa mga paputok

CAMARINES NORTE- Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa dulot na polusyon sa hangin na nagmumula sa mga paputok.

Sa harap ito ng inaasahang pagdami ng mga magpapaputok sa pagsalubong sa bagong taon.

Ilang araw kasi bago ang pagpapalit ng taon ay may mga bumibili na ng paputok na tradisyon na tuwing sasapit ang ganitong panahon.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Marlon Francia, hinimok nito ang publiko na sa halip na magpaputok ay mag isip na lang ng alternatibong pampaingay na bukod sa ligtas na ay hindi pa magdudulot ng negatibong epekto sa kapaligiran.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Ayon kay Francia may iba’t- ibang kemikal ang pulbura o usok na nagmumula sa paputok na delikado rin sa makakalanghap nito.

Kaya mas mainam aniya na huwag nang gumamit ng paputok upang makaiwas din sa disgrasya.

Higit na mabuti pa rin daw na salubungin ang bagong taon na kumpleto ang mga daliri at kamay at walang nsasaktan dahil sa paggamit ng paputok.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Sa kabila nito, naniniwala si Francia na nagiging epektibo naman ang kampanya ng pamahalaan kontra paputok.

Patunay dito ang bumababang bilang ng mga napuputukan taon taon tulad na lamang dito sa Camarines Norte na mula sa isa sa pinaka may maraming bilang ng firecracker related injury noong mga nagdaang taon ay iisa na lang sa pagsalubong ng 2021.

Ayon din sa ulat ng ahensiya nabawasan ng hanggang 59 percent ang polusyon sa hangin pagdiriwang ng pasko 2020 at pagsalubong sa 2021.