CAMARINES NORTE-Natanggap ng labingdalawang magsasaka sa Capalonga Camarines Norte ang nakalaang ‘Indemnity’ o “Bayad-pinsala para sa kanilang lupang sinasaka na naapektuhan ng mga mapaminsalang peste, sakit ng mga pananim at mga nagdaang kalamidad.
Nagtungo ang mga magsasaka sa Municipal Agriculture Office upang personal na tanggapin ang indemnity checks.
Adhikain umano ng LGU sa pamamagitan ng Municipal Agriculture Office at ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) na tulungan ang mga magsasaka sa naturang bayan sa muling pagbangon at pagsisimula sa sektor ng agrikultura.
Ito na ang ikatlong batch ng pamamahagi ng indemnity checks.
Tiniyak rin ng LGU na may mga tulong ito tulad ng pangkalusugan, pinansyal, agrikultura, medisina at iba ipa.
Makakaasa rin umano ang mga Capalongueño sa tuloy- tuloy na mga proyekto at programang pampubliko.
