COVID- 19 booster shot bukas na sa general population

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Health na hindi na lamang sa priority group sa halip ay bukas na sa general population ang COVID- 19 booster shot.

Ito ang inihayag ni Dr. Monrey Isaiah Mancilla, National Immunization Program Coordinator ng Department of Health Bicol sa isinagawang Press Conference nitong Lunes.

Ayon kay Mancilla  napakahalaga ng booster dose lalo na ngayong mayroong banta ng Omicron variant na base sa mga inisyal na pag- aaral ay mas nakakahawa.

Sa tuwing binabakunahan daw kasi ang isang tao ay tumataas ang anti body level pero sa paglipas ng ilang linggo o buwan ay dahan- dahan itong bumababa.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Kung bumababa na aniya ang anti body level sa katawan ay kailangan magbigay ng booster para pataasin ulit.

Kaugnay nito hinimok ni Mancilla ang mga dati nang nakatanggap ng COVID- 19 vaccine na magpa booster shot tatlong buwan pagkatapos ng second dose at dalawang buwan naman kung janseen vaccine.

Ito ay upang mabigyan na ng schedule dahil mayroon naman daw available na bakuna sa mga Local Government Units.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Samantala, muling nabigo ang Camarines Norte na maabot ang target vaccinee sa ikalawang leg ng pambansang bakunahan na ginanap noong nakatalikod na linggo.

Sa 78, 150 na target bakunahan ay nasa 45, 607 ang nabakunahan o katumbas ng 58. 36 percent.

Ang Camarines Norte ang may pinakamababang bilang ng nabakunahan sa katatapos lang na national vaccination days sunod sa Masbate na mayroong 60. 65 % accomplishment batay sa datos na inilabas ng DOH.