US, pinuri ang Pilipinas matapos maitala ang zero COVID-19 cases sa ilang malalaking ospital

Pinuri ng Estados Unidos ang Pilipinas matapos maitala ang zero COVID-19 cases sa ilang malalaking ospital nito.

Sinabi ito ni United States Embassy economic counselor David Gamble.

Ayon kay Gamble, ang ibig sabihin lamang nito ay nananalo ang Pilipinas laban sa COVID-19.

Read More:  Malacañang won’t stop young Filipinos from working abroad

Matatandaan noong nakaraang linggo ay naiulat ng Philippine General Hospital na umabot sa dalawang araw na walang na-admit na bagong kaso ng COVID-19 sa kanilang pasilidad.

Noong December 06 naman ay kinumpirma ng Makati Medical Center na nagtala ito ng zero in-patient cases ng COVID-19.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Base sa datos ng gobyerno ay umabot na sa mahigit 39.5-million na mamamayan ng bansa ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.