Ilang politiko, nagbabayad umano sa mga tao para pasamahin ang mga ito sa rallies at motorcades – Moreno

Isiniwalat ni presidential aspirant at Manila Mayor Isko Moreno na meron ilang politiko ang namamahagi ng pera sa mga tao upang himukin ang mga ito na magpartisipa sa mga rallies at motorcades bago mag-eleksyon sa 2022.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Sinabi ni Moreno na tinatayang nasa P300 hanggang P500 ang ibinibigay sa kada supporter na sumasali sa rallies.

Dagdag ng alkalde, nasa P1,500 naman ang ibinibigay sa mga nakikibahagi sa motorcades.

Read More:  ATOM seeks deeper probe into alleged special treatment of Romualdez

Babala ni Moreno sa publiko, dapat silang mag-ingat sa mga politiko na gastos nang gastos para magpa-rally, dahil tiyak na babawiin nila ito na may mas malaking interes.