PRRD tiwalang magtatagumpay muli ang ikalawang Bayanihan, Bakunahan campaign

Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na muling magtatagumpay ang ikalawang Bayanihan, Bakunahan campaign.

Ginawa ng pangulo ang pahayag kasabay ng paglalahad na nasa 10.2-million doses ng bakuna ang naiturok sa unang bugso ng massive vaccination drive noong nakaraang linggo.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Sinabi ni Pangulong Duterte na malaking tagumpay ang naturang bilang para sa laban ng bansa kontra COVID-19.

Read More:  MNLF denies protecting Senator Bato dela Rosa

Pinasalamatan naman ng Punong ehekutibo ang doktor, volunteers at lahat ng nakiisa sa naturang aktibidad.

Ayon sa Pangulong muling magsasagawa ng Bayanihan, Bakunahan program at itinakda ito sa December 15 hangang December 17.