Gobyerno puspusan ang paghahanap sa 8 biyahero mula sa South Africa

Puspusan ang paghahanap ng mga otoridad sa walong mga biyahero na nagmula sa South Africa.

Aminado si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na nahihirapan silang matukoy ang kinaroonan ng mga ito dahil sa mga mali-maling detalye na inilagay sa personal information sheets.

Read More:  QC court rejects Mans Carpio petition to stop VP Sara Duterte impeachment

Paliwanag ni Vergiere apat sa walong biyahero ang naglagay ng contact details ng kanilang agencies subalit hindi naman natatawagan.

Habang may isa na naglagay ng hindi kumpletong contact number.

Umapela naman ang DOH official sa walong mga biyahero na kung alam ng mga ito na sila ang pinaghahanap ng gobyerno agad nang makipag-ugnayan sa DOH regional offices malapit sa kanilang kinaroroonan.

Read More:  NBI summons Dubai-based vlogger over alleged fake claims on Marcos’ health

Sinabi ni Vergeire na isasailalim sa retest ang naturang mga indibidwal dahil sa banta ng mas nakakahawang Omicron variant.