Italy nagpatupad na mas mahigpit na restriction vs unvaxxed individuals

Nagpatupad ng mas mahigpit na restrictions para sa mga unvaccinated individuals ang Italy bilang paghahanda sa posibleng surge dulot ng Omicron variant ng COVID-19.

Kaugnay nito ay off limit sa sinuman ang maraming public activities kung wala ang tinatawag nilang Covid Super Green Pass.

Ang nasabing pass ay magpapakita na fully vaccinated o recovered mula sa virus sa nakalipas na anim na buwan ang sinumang may hawak nito.

Kakailanganin ang super green pass sa mga gustong makapasok sa mga teatro, sinehan, music venues. sports events, restaurants at bars.

Sinisikap ng Italy na malabanan ang pagtaas ng COVID-19 infections dahil sa pagtaas muli nito simula noong kalagitnaan ng Oktubre.

Matatandaan na matinding tinamaan ng COVID-19 ang Italy kung saan isa ito sa may pinakamataas na death toll sa mga nakalipas na buwan na umabot ng mahigit 134,000.