Govt, all set na para sa national vaxx days

All set na ang gobyerno para sa simultaneous na COVID-19 vaccination activities na magsisimula sa November 29 hanggang December 1.

Mababatid na target ng gobyerno na mabakunahan ang 15 milyong Pilipino sa naturang period.

Read More:  Remulla denies rumors of Romualdez leaving Quezon City Jail

Ayon kay presidential spokesperson Karlo Nograles, mula sa deployment, assignments, lahat ng tasks at responsibilities, pababa sa regional level, at pakikipag-ugnayan sa local government units, ay handa na.

Read More:  PPA prepares for expected surge in travelers during five-day ASEAN Summit holiday

Matatandaan na naglabas na rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng proklamasyon, na ang mga magpapabakuna sa three-day vaccination event ay hindi mamarkahang absent ng kanilang employers, sa kondisyong sila ang magpipresenta ng proof na nagpabakuna sa naturang mga araw.