Watchdog, naobserbahan ang ‘Moderate risk’ ng korapsyon sa Philippine defense sector

Naniniwala ang isang international watchdog na nahaharap ang defense sector ng Pilipinas sa “moderate” risk ng korapsyon.

Sa Government Defense Integrity Index ng Transparency International, na sumusuri sa kalidad ng institutional controls na ipinatutupad upang maiwasan ang banta ng korapsyon, ay naitala ng Philippine defense sector ang C rating na katumbas ng “moderate” risk.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Ipinaliwanag ng watchdog na mahina ang oversight ng policy-making at procurement ng defense institutions ng Pilipinas habang nanatiling limitado ang transparency ng buong sektor.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Ipinunto naman ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi nalalayo ang rating ng Pilipinas sa 20 iba pang bansa tulad ng Australia, Japan, South Korea, at Singapore.