100 Child laborers natulungan ng DOLE sa Camarines Sur

NAGA CITY- 100 na mga child laborers sa Camarines Sur ang natulungan ng Department of Labor and Employment sa kanilang Project Angel Tree 2021 at may mga nakakuha na rin ng kanilang benipisyo.

Nitong nagdaang araw tumungo si DOLE Secretary Silvestre “Bebot” Bello III sa lalawigan para ceremonial awarding ng mga proyekto ng kagawaran tulad ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ,DILP-Bikecination Program, Safety Seal Certification at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) assistance sa Pili.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa mensahe nito nang tumungo at humarap sa mga benepisyaryo ng TUPAD sa kapitolyo at mga matataas na opisyal ng lalawigan, binigyang diin na prayoridad ng pamahalaan na ibigay sa taumbayan ang nararapat na para naman talaga sa kanila.

Tumungo rin ang kalihim sa Partido Area kung saan pinangunahan nito ang  Project Angel Tree 2021 sa Sagñay. 100 na mga child laborers mula sa naturang bayan at mula sa Tigaon kasama ang kanilang magulang ang nakatanggap ng ayuda bilang parte ng kampanya upang matigil ang Child Labor o DOLE Child Labor Prevention and Elimination Program.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Nakatanggap ng educational packages, food packs, hygiene kits at ilan pa.