Ilang lugar sa Canada labis na napinsala matapos salantain ng bagyo

Nasira ang ilang kalsada, mga tulay at kabahayan matapos bayuhin ng bagyo ang British Columbia sa Canada.

Sa inisyal na report, umaabot sa 17,000 na mga residente ang nananatiling displaced dahil sa matinding pinsala sa mga tahanan.

Dahil sa matinding pagbaha at mga pinsala sa mga kalsada, isinara ang maraming highways habang maging ang rail access ay pansamantalang sinuspende.

Naitala din ang libu-libong mga farm animals ang nasawi sa pagbaha habang ang iba naman ay kinailangang patayin na lang.

Nananatili namang isa ang naitalang kumpirmadong nasawi habang hindi pa nahahanap ang dalawang missing.

Ilan sa mga residente ang nagsabing tila “Armageddon” ang kanilang nasaksihang hagupit ng bagyo at epekto nito sa mga tao.