Palasyo, tumanging pangalanan ang prexy bet na ‘cocaine user’

Tumanggi ang Malacañang na pangalanan ang presidential aspirant na inilalarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte na “addicted to cocaine.”

Ayon kay acting presidential spokesperson Karlo Nograles, ipinapaubaya nila kay Duterte kung kailan niya ito papangalanan.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Nang matanong naman si Nograles kung inatasan ng pangulo ang mga otoridad na imbestigahan ang naturang presidential aspirant dahil sa illegal drug use, binigyang diin lang nito na batid ng mga otoridad ang kanilang trabaho.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Una nito, tahasang inakusahan ng punong ehekutibo na ang presidential candidate na adik sa cocaine ay umaasa lang sa pangalan ng kanyang ama, at ang naturang aspirant ay wala umanong accomplishment sa ilalim ng kanyang pangalan. //MHEL PACIA-TRINIDAD