2% na health workers na nakatanggap ng boosters, may mild side effects

Umabot sa 2,488 healthcare workers ang naturukan ng booster shots sa unang araw ng rollout nito noong Nov. 17.

Mula sa naturang bilang, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 2% lang ang nakaranas ng mild side effects, kabilang na ang lagnat, pagkahilo, at pagtaas ng blood pressure.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Ang boosters ay maaring ibigay matapos ang anim na buwan mula nang matanggap ng healthcare workers ang dalawang doses ng Pfizer, Moderna, Sinovac, Sputnik V, o AstraZeneca vaccine, at matapos ang tatlong buwan naman para sa mga nabakunahan ng single-shot Janssen.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Kaugnay nito, ang mga fully vaccinated healthcare workers ay pinapayagang pumili kung anung brand ng COVID-19 vaccine ang kanilang gustong matanggap bilang booster shot, sa kondisyong ito ay available sa vaccination sites.

Nabatid na ang mga aprubadong booster shots ay Sinovac, Pfizer, Moderna, at AstraZeneca vaccines. //MHEL PACIA-TRINIDAD