Patay ang isang babae na kinilala na si Nancy ng Brgy. Abongan Taytay Palawan Maria Nancy V. Fegarido 60 anyos , negosyante residente ng Purok Pag-asa, Brgy. Abongan matapos barilin kagabi.
Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, bago ang pamamaril sa biktima ay nagbi-video call ito nang biglang dumating ang suspek at siya’y biglang binaril ng dalawang beses sa ulo.
Sa inisyal na imbestigasyon ay mag-isa lamang ang biktima sa bahay nang ito ay paslangin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Narinig pa umano ng kausap ng biktima ang ingay sa background ni Nancy matapos itong barilin kaya agad nitong tinawagan ang anak na babae ng biktima para ipaabot ang nangyari.
Narekober ng pulisya sa crime scene ang dalawang basyo at isang bala ng calibre 45 pistol habang nawawala umano ang cellphone ng biktima.
Samantala, iniimbestigahan pa ng Taytay PNP ang krimen.