School division office (SDO) sa Ligao City tiniyak na mayroong nailagay na safety and health tools sa limang paaralan na magsisimula ng kanilang pilot testing area ng face to face classes; mga bata na babalik eskwela excited na

LEGAZPI CITY – Unang araw pa lang ng kanilang Pilot testing Area face to face classes sa limang paaralan ay excited na ang bawat mag aaral o estudyante sa pagbabalik eskwela.

 Ayon kay Dr Joaner Alaba, ang head ng medical officer ng deped ligao city, tiniyak nito sa Balanac ES, Tandarura ES, Tupas ES, Malama ES, Bagacay Extn. and Tiongson ES ay mayroon ng nailagay na safety and health tools para sa pagbabalik paaralan ng mga bata. Aniya bago pa man pumasok ang mga bata sa kanilang silid aralan ay kailangan dumaan muna ito sa temperature, paghuhugas ng kamay at alcohol upang maiwasan na magkaroon ng sakit na coronavirus disease (COVID) 19.

 Aabot naman sa 407 ang registered na mga bata ang nagsagawa ngayon ng face to face classes simula sa kinder hanggang grade 3 sa nabanggit na paaralan.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Dagdag pa nito, bago pa man nagsimula ng pagbubukas ng klase ay nagkaroon na rin ito ng simulation exercises ng face to face classes. Ayon naman sa mga magulang ng mga bata, ikinagagalak rin ng mga ito ang pagbalik ng eskwela ng kanilang anak dahil sila rin mismo ay nahihirapan sa pagtuturo pagdating sa modality.

Malaking tulong ang nagagawa ng mga guro dahil sa mayroon silang natutunan sa pag aaral at mahuhusay magturo ang mga ito. May mga bata na excited sa pagpasok sa paaralan at may mga naninibago dahil sa maaari umanong naging nakasanayan ng mga ito ay nasa loob ng kanilang tahanan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

 Ayon naman kay Luzviminda Broma, school principal ng Tandarura Elementary school, hindi biro ang kanilang ginawang preparasyon para sa face to face classes dahil sa kailangan maipasa ng mga ito ang kinakailangan mga requirements.

 Dahil dito laking pasasalamat nito sa mga magulang, guro, barangay, Lgu at iba pang stakeholders nakipagtulungan upang pumasa sa requirements at mabigyan ng pagkakataon na makapagsimula ng pilot testing area fa e to face classes.

Inaasahan rin ngayon araw ang pagbisita ni Usec Tonisito Umali ng Department of Education (DEPED) Central Office upang bisitahin ang Balanac Elementary school upang malaman ang kalagayan ng pagbubukas sa unang araw ng pilot testing area face to face classess.