‘Drug case ni Julian Ongpin, ire-review ng PNP’ – Carlos

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos na kanilang ire-review ang kaso laban kay Julian Ongpin na anak ni business tycoon Roberto Ongpin.

Ito ay matapos na ibasura ng regional trial court (RTC) sa La Union ang drug case laban sa batang Ongpin dahil sa umano’y hindi pagsunod ng mga pulis sa tamang paghawak ng mga ebidensiya.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Sa isang panayam sinabi ni Carlos na babalikan nila ang kaso ni Ongpin at muling sisiyasatin.

Kapag napatanuyang nagkaroon ng lapses sa mga imbestigador at custodian ng ebidensiya tiniyak ni Carlos na pananagutin niya ang mga ito.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Magugunitang noong nakaraang buwan sinampahan si Ongpin ng non-bailable drug case matapos makunan ng 12.6 grams ng cocaine at idinadawit din sa pagpatay sa kanyang kasintahan na si Bree Jonson.