Nagbabala si Department of Health Secretary Francisco Duque III na posibleng mangyari sa Pilipinas ang nagaganap ngayon sa Europa na bagong sentro ng COVID-19 pandemic.
Ginawa ni Duque ang pahayag matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield.

Paliwanag ng DOH secretary masyadong naging kampante ang Europa at dumating pa sa punto na nagtanggal ito ng mga facemasks subalit pagkatapos nito biglang naitala sa lugar ang COVID-19 surge.
Dahil dito kung kaya’t mariin tinututulan ng kalihim ang panawagan nang ilan na isunod na rin na tanggalin ang pagsusuot ng facemasks.
Ayon kay Duque hindi pa napapanahon na magtanggal ng facemask dahil mataas pa rin ang banta ng COVID-19.
Kasabay nito muling nanawagan ang kalihim sa publiko na huwag balewalain ang pagsunod sa mga health and safety protocols lalo na sa mga bata.