Fully vaxxed tourists, malaya nang makakapasok sa Bora

Hindi na kailangang magpresenta ng negatibong RT-PCR test result ang mga turistang fully vaccinated na bibisita sa Boracay Island, simula sa Nov. 16.

Ayon kay Aklan governor Florencio Miraflores, handa na silang buksan ang isla sa mga turista.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sinabi ni Miraflores na 90% ng tourism workers sa isla at 70% ng buong kumunidad ay fully vaccinated.

Sa ngayon, wala na ring active cases sa isla sa nakalipas na linggo.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Bilang kapalit naman sa negative swab test result, ang mga travellers ay kailangan lang magpakita ng vaccine certificate mula sa VaxCertPH, ang digital vaccine certification system. //MHEL PACIA-TRINIDAD