Mayor Sara, tatakbo sa pagkapangulo – Rep. Salceda

Naniniwala ang malapit na kaibigan ni Davao City Mayor Sara-Duterte Carpio na si Albay Rep. Joey Salceda na pagka-pangulo ang tatakbuhan nito kung sasabak man sa national position.

Read More:  Palace assures stable prices for 190 basic goods until year-end

Ayon kay Salceda wala sa opsiyon ng presidential daughter ang pagtakbo sa pagka-pangalawang pangulo.

Ito ay sa kabila ng mga espekulasyon na posibleng magkaroon ng tambalang Bongbong Marcos at Sarah Duterte-Carpio.

Read More:  Apple to provide 170,000 MacBook Neo laptops to public schools nationwide

Samantala, inihayag ni Salceda na matagal nang pinag-iisipan ni Mayor Inday ang pagtakbo sa pagka-pangulo subalit may ilang bagay lamang umano na humahadlang dito.