Mga truck na nagdedeliver ng baboy mula Visayas at Mindanao, pagbabawalan nang pumarada sa Libod-Salugan bypass road sa Camalig, Albay

BICOL—Matapos ang isinagawang konsultasyon noong nakaraang linggo sa mga may-ari ng lupa at iba pang apektadong residente sa Libod-Salugan Bypass Road sa bayan ng Camalig, Albay ay ikinokonsidera ngayon ng lokal na pamahalaan na ipagbawal na ang pagparada ng mga truck sa nasabing lugar.

Ang mga truck na ito ay ang mga naghahakot ng baboy mula sa Visayas at Mindanao na inirereklamo ng mga residente dahil sa kawalan ng sanitasyon, hindi tamang pagtatapon ng basura at illegal parking.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Bunsod nito ay magtatalaga ang LGU katuwang ang barangay ng monitoring team na regular na mag-iikot at magbabantay sa lugar upang matiyak ang kalinisan, kaligtasan at kaayusan doon. Maliban sa mga trucks, maging ang mga food at retail stores na naglalatag sa lugar ay nakitaan din ng mga paglabag hinggil sa hindi tamang pagtatapon ng basura.

Ayon sa monitoring team ng Municipal Disaster Risk Reduction & Management Office (MDRRMO) at PNP, isa itong malinaw na paglabag sa Municipal Ordinance 2012-02 na nag-aatas sa implementasyon ng proper and sustainable solid waste management.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang mga lalabag dito ay papatawan ng P1,000.00 hanggang P3,000.00 na multa at pagkakakulong sa mga susunod pang kaparehong paglabag.

Kaugnay nito ay pinapayuhan ang mga Camalignon na sinumang makitang lumalabag sa ordinansa ay isumbong sa Municipal Environment & Natural Resources Office (MENRO) sa numerong 09473259363 o 09778340192.### || slm