Fully vaccinated sa lungsod ng Legazpi nasa 43% na; pagbakuna sa mga menor de edad tuloy ngayong araw

BICOL—Puspusan ang COVID-19 vaccination activities sa lungsod ng Legazpi para sa layuning maabot ang herd immunity hanggang sa Disyembre.

Base sa pinakahuling tala, nasa 43% na ang mga fully vaccinated sa lungsod habang 76% na rin ang mga nabakunahan kabilang na ang naturukan ng first dose o katumbas ng halos 185,000 na indibidwal.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ngayong araw, Nobyembre 9 ay aarangkada na rin ang pagbakuna sa mga minors na gaganapin mula alas 9 ng umaga sa Legazpi City Convention Center sa Brgy. Cruzada at kailangang mayroong kasamang guardian.

Uunahin sa pagbakuna ang mga kabataang edad 14-17 para sa mga lalaki at 15-17 naman sa mga babae. Inaabisuhan naman ang mga kabataang naturukan ng MR-TD/HPV na kailangan nilang maghintay ng 14 na araw bago sila maaaring makapagpabakuna laban sa COVID-19.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Target ng lokal na pamahalaan na mabakunahan agad ang nasa 20,000-25,000 ng mga kabataang nasa edad 12-17 anyos.

Plano rin ng LGU na hilingin sa IATF na bigyang prebelihiyo ang mga bakunadong indibidwal sa pagbyahe at pag dine in sa mga resturants at food service establishments.### || slm