50% operational capacity, mananatili sa lahat ng SC offices sa NCR

Inanunsyo ng Korte Suprema na mananatiling nasa 50% ang operational capacity ng lahat ng mga opisina at units ng kataas-taasang hukuman simula sa November 8.

Sinabi ng SC sa isang memorandum na gagamitin pa rin ang rotation basis para sa pagpapa-report ng mga empelyado sa opisina, na idi-ditermina ng kani-kanilang Chiefs of Offices o Services.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Kailangan rin ay walang sintomas na kahit ano ang mga tauhan ng korte, at mahalagang ma-monitor ito bawat oras.

Read More:  PAGASA warns of danger-level heat index in 16 areas

Ipinunto naman ng SC na tatakbo mula alas-8 hanggang alas-4:30 ng hapon ang official work time ng trabaho nito.