Panuntunan para sa security guards na nagsusuot ng holiday constumes, pinabubuo ni Eleazar

Igniit ni Philippine National Police chief  Police General Guillermo Eleazar na dapat pa rin magbihis ng maayos ang mga security guards kahit  tuwing holiday season.

Sa isang panayam ay nagpahayag si Eleazar ng pagkabahala sa posibleng kalituhan at hindi pagkakaunawaan na maaring idulot ng security guards na hindi naka-proper uniform habang may dala-dalang mga baril.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Ayon kay Eleazar, hindi pupuwede na hindi magmukhang security guard ang mga bantay sa mga establishimyento.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Hiniling naman ni Eleazar sa Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ang pag-iisyu ng guidelines para sa mga security guards na nagsusuot ng holiday costumes.