Bagong COVID-19 cases sa Italy, umabot sa 6,764; Nasawi, nadagdagan ng 51

Naiulat ng Italy ang 51 na bagong nasawi dahil sa COVID-19 nitong Biyernes na bahagyang mas konti kumpara sa 59 na nasawi noong Biyernes.

Sinabi rin ng health ministry ng Italy na umabot sa 6,764 ang bilang ng bagong infections na higit na mas mataas sa 5,905 na unang naitala.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Nairehistro naman ng Italy ang 132,334 na nasawi na may kinalaman sa COVId-19 mula nang unang umusbong ang outbreak noong Pebrero ng nakaraang taon.

Ang Italy rin ang nagsisilbi bilang ikalawang highest toll sa Europa, o pagkatapos ng Britain, at ika-siyam sa buong mundo.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Mababatid na base sa ilang official sources ay tinatayang nasa 4.8-million na ang mga kaso na naitala sa Italy.