Maureen Montagne, sumabak sa swimsuit round ng Miss Globe 2021

Nagpamalas ng kagandahan at kaseksihan si Marureen Montagne ng Pilipinas sa ginanap na swimsuit round ng Miss Globe 2021.

Ipinakita ng Philippine bet kung bakit ito ang naging first runner-up sa Miss Bikini competition ng pageant kung saan ay sinuot nito ang kaniyang itim na two-piece swimwear.

Mababatid na napunta ang Miss Bikini special award sa representative ng Guyana.

Nais naman ni Montagne na maiuwi ang ikalawang Miss Globe title matapos itong magawa ni Ann Colis noong 2015.

Matatandaan na nagtapos ang predecessor ni Montagne na si Leren Bautista sa second runner-up noong 2019.