Go: Batas kailangan bago gawing mandatory ang COVID-19 vaccination

Binigyang diin ni Sen. Bong Go na kailangan muna ng batas, bago gawing mandatory ang pagbabakuna laban sa COVID-19.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Go na sa halip na gawing mandatory ang vaccination, ay dapat palakasin na lang ang panghihikayat sa mga kababayan na magpabakuna.

Maaarin umanong magbigay ng mga incentives sa mga bakunado tulad ng mas maluwag na mga patakaran, pwede silang kumain at pumasyal sa labas, makapagtrabaho at makagalaw nang wala masyadong restrictions.

Read More:  Lawyers group offers aid to cop in viral rider incident

Ayon kay Go, tulad sa mga sinasabi ng mga pag-aaral na tumataas ang vaccine confidence ng mga Pilipino kumpara noong nagsisimula pa lang ang bansa sa inoculation, ay napansin rin umano niyang marami na ang willing na magpabakuna.

Kaya para sa akin dapat walang pilitan. Ang importante makuha natin ang kumpyansa at tiwala ng mga kababayan natin at ipaintindi sa mga tao ang kahalagahan ng pagbabakuna laban sa COVID-19 dahil ito ang tanging susi at solusyon para makabalik tayo sa normal na pamumuhay.

Read More:  VP Sara camp ready for Senate impeachment trial

Dahil dito, hinihikayat ng senador ang gobyerno mula sa national hanggang sa lokal na bilisan at siguraduhing makarating ang bakuna sa bawat sulok ng bansa lalo na sa mga komunidad na pinaka-nangangailangan, palawakin ang rollout, paramihin ang vaccination centers, at kung kailangan ay suyurin umano ang mga pamamahay, upang masigurong walang maiiwan sa muling pagbangon ng bansa.