Nagsimula na ang pagbabakuna sa mga kabataang edad 12-17 years old ngayong araw sa Olongapo City.
Ang vaccination gamit ang Pfizer vaccine ay ginaganap sa James L. Gordon Memorial Hospital para sa mga nasabing edad na mayroong comorbities.
Target ngayong araw ang isandaang kabataan na mabakunahan kontra corona virus disease.
Samantala, susundan ang vaccination bukas, November 5 at sa November 8 hanggang sa 12.
Sa Lunes rin ay plano na ng CHO na simulan ang vaccination sa mga 12-17 years old na non-comorbid kaya hinihikayat ang mga kabataan na magparehistro na online para mabakunahan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
