Vaccination roll-out sa Catanduanes, puspusan na, mahigit 30k doses ng ‘Sputnik V’ vaccine, dumating sa probinsya kahapon

BNFM BICOL—Inihayag ni Catanduanes Provincial DOH Officer Dr. Robert John Aquino na puspusan ngayon ang isinasagawang vaccination roll out sa islang lalawigan sakabila ng pagkakasailalim nito sa Modified Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay Aquino, umabot na sa mahigit 40% ng population coverage sa probinsya ang nabakunahan na kontra COVID-19 na target nilang maitaas pa at madagdagan ng 20% sa mga susunod na linggo.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Upang mas mapabilis kase ang roll out ng bakuna, naisip umanong estratehiya ng ahensya ang paghahati-hati sakanilang mga vaccination teams upang mas maraming lugar ang maabot at mas maraming residente ang mabakunahan.

Sa kasalukuyan, bukod sa tatlong vaccination team ng DOH, nagsisimula na ring dumayo sa mga liblib na bahagi ng probinsya ang mga vaccinators ng provincial health office at ang dagdag na pwersa na rin mula sa Catanduanes Medical Society.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kaugnay nito, dumating kahapon sa probinsya ang nasa 30,600 doses ng Sputnik V vaccine na siyang kauna-unahang batch ng naturang brand ng bakuna na dumating sa isla.###