Indonesia— Instant ‘sikat’ ngayon sa bansang Indonesia ang isang 12-anyos na bata dahil sakanyang kakaiba at hindi pangkaraniwang pangalan na ibinigay ng kanyang mga magulang.
Ayon sa ulat ng local media sa lugar, nag viral sa social media ang kwento ng batang si “Abcdef Ghijk” o kilala rin sa palayaw na “Adef” dahil sakanyang pangalan na kinuha mula sa unang 11 letra ng alpabeto.
Nadiskubre umano ang kakaibang pangalan ng bata ng mga health workers, matapos itong magpalista para sa ginagawang COVID-19 vaccination sakanilang lugar.
Nang mabasa ang buong pangalan ni Adef, inakala ng mga ito na nagbibiro o nagkamali lamang ang nagsulat ng pangalan ng bata, ngunit matapos ang kanilang pagbe-beripika, ikinagulat nila nang malaman na totoo palang iyon ang pangalan ng bata.
Dahil sa pagkamangha at pagkatuwa, ibinahagi ng mga ito sa social media ang kwento tungkoy kay Adef na humakot naman ng samu’t-saring komento ar reaksyon.
Ayon pa sa ulat, ang kakaibang pangalan ng bata ay dahil sa pagkakahilig ng kanyang ama sa crossword puzzle.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol