City Enro, nagpaalala sa publiko ukol sa tamang pagtapon ng basura

KORONADAL CITY — MULING nag-apela sa publiko ang City Environment and Natural Resources Office o City ENRO ng Koronadal sa publiko ukol sa tamang pagtapon ng basura.

Ito ang inihayag ni City Enro Officer Agustus Brentana sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal matapos ang reklamo ng iilan sa mabahong basura na itinapon sa likurang bahagi ng China Town.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Ayon sa opisyal patuloy ang pag-kolekta ng lungsod sa mga basura ngunit dapat na nakahiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok. Pinasiguro naman ni Bretaña na tututukan ang concern upang makuha ang mga basura sa lugar.

Read More:  Couple stabbed by son while sleeping; Another father hacked in Zamboanga City

Pagmamay-ari umano ng isang pribadong kompanya ang mga basurang itinambak sa lugar ngunit hindi pa malinaw kung sino ang nagtapon nito.