Empleyado ng DPWH nahulihan ng illegal na droga sa isinagawang search warrant sa lungsod ng Legazpi City, Albay

LEGAZPI CITY – Tiklo ang limang driver at isang Empleyado mg Dpwhi sa isinagawang search warrant implementation laban sa ilegal na droga sa Purok 2 Barangay Sabang lungsod ng Legazpi.

 Kinilala ang mga suspek na sina Rogelio Esplana Sr o alyas Oyong-60 anyos, residente ng nasabing barangay, Roman De Guzman- 37 anyos residente ng Sitio Tiko tiko Barangay Taysan, Alex Duran- 29 anyos residente ng Barangay Tula-Tula, Jerwin Losano – 42 anyos residente ng Barangay Bitano, Ernesto Evangelista -53 anyos residente ng Barangay Maroroy bayan ng Daraga Albay at si Aaron Ajero residente ng Barangay Tula Tula ng Legazpi.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

 Ayon sa report, hapon ng magsagawa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)Albay ng Search warrant implementation laban kay Esplana dahil sa ilegal na droga.

 Nang mapuntahan ang lugar ay dito na tumampad o naaktohan umano na gumagamit ng droga. Narekober sa kanila ang 15 na pirasong pinaniniwalaang shabu, siyam na bukas na transparent plastic sachets na suspected sa shabu at iba pang non drug items.

Aabot sa 102k ang halaga ng shabu na narekober sa mga suspek. Ayon kay Noe Briguel, ang Provincial Director ng PDEA Albay, actual na na gumagamit ng pinaniniwalaang shabu ng ito ay pasukin at silbihan ng search warrant implementation. Aniya, bago pa man ito ay salakayin ng mg awtoridad ay dumaan muna ito sa mahabang proseso.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

 Nagkaroon muna ito ng test surveillance sa nasabing lugar o bahay ng suspek na kanilang sisilbihan ng search warrant. Sinabi pa ng opisyal, ginagawang drug den ang bahay ng nasabing suspek na kung saan positibo ito sa ginawang validation ng mga operatiba Karamihan sa mga naaresto na mga suspek ay drug visitor at driver.

Sa ngayon ay hawak na ng pdea albay ang anim na suspek at inihahanda na rin ang kasong isasampa na RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.