1 pamilya sa Albay bibisita sa puntod ng namatay na aso sa Pet Cemetery sa undas

LEGAZPI- Kung dalalasan, tao lang ang inaalala sa araw ng mga Patay, isang pamilya sa lalawigan bng Albay ang nagdesisyon na bisitahin ang kanilang namatay na aso na nakalibing sa Tombstone Pet Cemetery sa Farmplate, isang sikat na tourist spot sa lalaigan.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Flored Jay Naval Medina, sa kabila ng pagsasara ng mga sementeryo sa araw ng undas, malaki umano itong pagkakataon sa kanilang pamilya na mabisita ang kanilang alagang aso sa bayan ng Daraga.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ayon kay Medina, ang kanilang asong si Cass na 12 taon nilang alaga, ang namatay noong buwan ng Setyembre dahil sa sakit.

Aniya, dahil bahagi na ito ng kanilang pamilya, mas minarapat nilang magsagawa ng isang pormal na seremonya at desenteng libing sa kanilang alga.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Dumaan rin umano sila sa panahon ng pagluluksa.

Samantalang nagpasalamat naman ito sa nasabing tourist spot dahil magbubukas ito sa araw ng undas at mabibigyan sila ng panahon na makabisita sa namaalam nilang mga alaga.

Kung maaalala, aabot sa 10 na aso at 2 pusa ang kasalukuyang nakalibing sa Pet Cemetery.