House, naipasa na sa Senado ang 5.024-T budget bill

Naipasa na ng House of Representative ng panukalang national budget para sa 2022 sa Senado.

Ayon sa Kamara, ang P5.042-trillion spending plan ay naka-schedule para sa enactment bago matapos ang taon, kasunod ng maagang transmittal nito sa Mataas na Kapulungan noong Lunes, o dalawang araw, bago ang deadline.

Read More:  PCG logs over 37,000 passengers at seaports on first day of Undas 2026

Ang House Bill No. 10153 o ang 2022 General Appropriations Bill (GAB) ay inaprubahan sa ikalawang at pinal na pagbasa noong Sept. 30, matapos sertipikahan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent.

Read More:  House prosecution panel criticizes Sara Duterte’s defense team over renewed ‘fishing expedition’ claims

Binigyang diin naman ni Speaker Lord Allan Velasco, na walang reenacted budget sa susunod na taon.

Ang budget, ay ang pinakamataas sa kasaysayan ng Pilipinas na para sa paglaban kontra sa COVID-19 at pagbuhay sa ekonomiya. //MHEL PACIA-TRINIDAD