Positibo ang 33% ng mga Pilipino na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey noong September 2021, nadiskubreng 33% ng mga Pilipino ang positibo, habang 45% ang nagsabing mananatili ang kanilang buhay at tanging 7% ang nagsabing mas lalala.
Ang 14% ng mga respondent ay hindi nagbigay ng kanilang sagot.

Dahil dito, sinabi ng SWS na ang net personal optimism score ay +26, na classified bilang high.
Sa kabila nito, ang naturang grade ay apat na puntos na mababa mula sa very high score na +30 na naitala noong June 2021 survey. //MHEL PACIA-TRINIDAD